-- Advertisements --

Nagbitiw bilang head coach ng Utah Jazz si Quin Snyder.

Sinabi nito na dahil sa pagpupursige ng mga manlalaro ay kailangan nila ng bagong boses para makamit ang nasabing naisini nilang magtagumpay.

Pinasalamatan nito ang mga nakasama sa koponan sa loob walong taon.

Sa loob kasi ng anim na taon ay umabot sila sa playoffs subalit hindi nakakaabanse sa finals.

Ang 55-anyos na si Snyder ay naging assistant coach ng Los Angeles Clippers, Philadelphia 76ers, Atlanta Hawks at Los Angeles Lakers.