-- Advertisements --

Itinumba ng Boston Celtics ang katunggali nito na Denver Nuggets sa score na 131-112 sa pagpapatuloy ng bagong NBA season.

Umarangkada naman ang star player ng Celtics na si Jayson Tatum na nakapagtala ng 34 na puntos eigth rebounds at five assists para makuha nila ang kanilang ikalimang sunod-sunod na panalo.

Hindi naman nagbunga ng panalo ang diskarte ng Denver (8-4) superstar na si Nikola Jokic na nagtapos sa kabuuang 29 na puntos, 8 rebounds matapos mabigyan ng foul.

Naging dikit naman ang score ng Nuggets sa Celtics (9-3) kahit na hindi nakapaglaro si Bones Hyland ng dahil sa isyu ng health and safety protocol bago ang tipoff. (with report from Bombo Victor Llantino)