-- Advertisements --

Sinisi ni NBA All-Star Jayson Tatum ang kanyang sarili sa pagkatalo ng Boston Celtics kanina sa kamay ng Golden State Wariors sa Game 4 ng NBA Finals.

Ayon kay Tatum, responsibilidad niya kung bakit kinapos ang Boston.

Aniya, kailangan na mas episyente ang kanyang diskarte, maayos na tira para mas umepekto sa kanyang mga teammates.

Sa kabila nito, nagbigay pugay pa rin si Tatum sa Warriors dahil sa matinding game na ipinakita.

Sa naging panalo ng Warriors, para sa ibang mga nagmamasid ipinakita raw ni Stephen Curry ang kanyang legendary game na nagbuhos ng 43 points kung saan dinomina ang laro tuwing nasa loob siya ng court.

Kung mapanatili ng Warriors ang ipinakita kanina hanggang sa Game 5 ay isang panalo na lamang ang kanilang kailangan.

Gayunman para kay Tatum kumpiyansa pa rin siya na makakabawi sila sa next game at kailangan lang daw ay mabawasan ang kanilang mga turnovers at pag-ibayuhin ang kanilang offensive movement upang hindi madiskaril ang hinahangad nila na ika-18 kampeonato sa prangkisa ng Boston Celtics.