-- Advertisements --

Patay ang Japanese Superbike racer na si Haruki Noguchi matapos ang aksidente habang ito ay nasa karera.

Naganap ang insidente sa Asia Road Racing Championship race sa Indonesia.

Nasa pang-apat na lap na ito sa Asia Superbike 1000cc race sa Mandalika Internationl Street Circuit sa West Nusa Tenggara province ng maaksidente ito.

Ayon sa kampo nito na hindi na nakayanan ng 22-anyos na racer ang kaniyang mga natamong sugat.

Nanatili pa kasi ito ng ilang araw sa pagamutan sa isla ng Lombok.

Nagpaabot naman ng kalungkutan ang International Motorcycling Federation of Asia sa pagpanaw ni Noguchi.