-- Advertisements --

Kumain ng isdang sashimi na hinuli mula sa karagatan kung saan pinakawalan ang radiated water ng Fukusihima si Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Ito ay bilang patunay na ligtas na kainin ang nasabing mga lamang dagat taliwas sa reklamo ng ilang mga bansa.

Maging ang United Nations atomic energy regulator ay nagsabing ligtas ang nasaibng mga lamang dagat at walang dapat ikabahala.

Magugunitang nasira ang Fukushima nuclear power plant matapos na tamaan ng magnitude 9 na lindol noong 2011.