-- Advertisements --
Untitled 11

Sumunod na ring nanawagan ang Japanese at Australian ambassadors to the Philippines ng pagrespeto sa United Nations Convention on the Law of the Seas(UNCLOS), kasunod ng panibagong harassment na ginawa ng China laban sa mga barko ng Pilipinas na magsasagawa sana ng resupply mission sa mga sundalong Pilipino na nakabase sa WPS.

Sa naging statement ni Australian Ambassador Hae Kyong Yu, umapela ito ng kapayapaan at stability sa West Phil Sea, kasama na ang pagrespeto sa mga probisyon o nilalaman ng UNCLOS.

Isang napakahalagang international waterway ang WPS para sa ibat ibang mga bansa aniya, kayat mahalagang mapanatili ang katatagan dito.

Sa panig naman ni Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa, sinabi niyang nakaka-alarma ang nangyaring insidente, at labis na tinututulan ng Japan ang anumang pagtatangka na baguhin ang status quo sa pamamagitan ng ‘force or coercion’.

Sinusuportahan din aniya ng Japan ang posisyon ng Pilipinas, kasama na ang panawagan nitong respetuhin ang 2016 Arbitral Award at nilalaman ng UNCLOS.

Una nang nagdeklara ang American at Canadian ambassadors to the Philippines ng kanilang pagsuporta sa Pilipinas, kasunod ng panibagong maritime incidente sa WPS.