-- Advertisements --
maritime patrol

Tinalakay ng National Security Advisers ng Japan, United States, at Pilipinas ang pagsasagawa ng combined maritime activities, kabilang ang joint naval exercises, sa Indo-Pacific waters upang suportahan ang freedom of navigation at ang mas malawak na rules-based order.

Ang National Security Advisor ng Japan na si Akiba Takeo, ang National Security Advisor ng Estados Unidos na si Jake Sullivan, at ang National Security Advisor na si Eduardo Año ng Pilipinas ay nagsagawa ng kanilang unang pag-uusap noong Hunyo 16 sa Tokyo, kung saan tinalakay nila ang isang concrete approach sa pagpapaigting ng trilateral cooperation.

Ayon sa pahayag ng Philippine National Security Council, binigyang-diin ng tatlong NSA ang kahalagahan ng pagpapahusay ng trilateral cooperation at response capabilities para mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific region.

Sa mga pagsisikap na mapabuti ang trilateral cooperation sa humanitarian assistance at disaster relief, ang tatlo ay sumang-ayon na palalimin ang trilateral na kooperasyon sa humanitarian assistance at disaster relief (HA/DR), gamit ang kanilang militar at sibilyang HA/DR na kakayahan.

At upang mapanatili ang isang malaya at patas na kaayusan sa ekonomiya, sila ay sumang-ayon na magsagawa ng mga pagsisikap upang itaguyod ang economic security at economic resilience.

Pinagtibay din nila ang kanilang kasunduan sa pagtugon sa economic coercion sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga kasosyo.