-- Advertisements --
Nagpaabot ng pasasalamat ang Japan sa suporta ng gobyerno ng Pilipinas sa naging hakbang nito sa paglalabas ng treated radioactive water sa karagatan mula sa Fukushima nuclear plant.
Ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko, na-appreciate ng Japan ang pag-unawa ng Pilipinas sa pagpapalabas nito ng nasabing treated water mula sa planta na base sa science and fact maging ang epekto nito sa karagatan.
Nitong Huwebes, ang unang araw ng paglalabas ng wastewater ng Japan mula sa nuclear plant, hindi tinutulan ng Pilipinas ang naging hakbang ng Japan.
Dahil ayon sa Department of Foreign Affairs kinikilala ng bansa ang technical expertise ng International Atomic Energy Agency na inaprubahan ang hakbang ng Japan.