
Dumating na sa Pilipinas ang ibinigay na mga equipment ng gobyerno ng Japan para sa paglilinis ng tumagas na langis sa may karagatan ng Oriental Mindoro.
Ayon sa Japan Intenational Cooperation Agency (JICA), nakatanggap ang bansa ng mga gears bilang suporta sa isinasagawang environmental efforts.
Kabilang dito ang oil blotters, heavy oil absorption masks, working gloves, rubber boots, at protective work wear na inaasahang magpapabilis sa clean-up campaign at maprotektahan na rin ang lahat ng mga tutulong sa paglilinis ng oil spill.
Ang naturang mga equipemnt ay karagdagang tulong mula sa Japan kung san matatandaan na noong nakalipas na linggo ay nag-deploy na rin ang Japan ng walong miyembro mula sa kanilang disaster relief expert team para tumulong upang mapigilan ang pinsala at kontaminasyon dulot ng lumubog na oil tanker.










