-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkabahala ang Japan at Australia sa ginawang panunutok ng military-grade lasers ng Chinese Coast Guard sa mga nagpapatrolyang barko ng Philippine Coastguard sa Ayungin Shoal ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Japan’s Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko na napakadelikado ang ginawang ito ng China.

Nararapat aniya igalang ng mga bansa ang maritime order base sa international law partikular na ang UNCLOS.

Tinawag naman ni Australian Ambassador to the Philippines HK Yu na isang deilkado at pananakot ang ginawang ito ng China sa Pilipinas.

Nauna ng kinondina ng US ang ginawang ito ng China.