Isang fangirl dream come true ang naranasan ng aktres na si Janice de Belen matapos makasama sa entablado ang Korean superstar na si Song Joong Ki sa kanyang fan meet sa isang mall sa pasay noong Sabado.
Sa social media post, ibinahagi ni Janice ang mga larawan kung saan makikitang inabutan siya ng bulaklak at niyakap ni Joong Ki sa harap ng libo-libong fans.
“Omg! Tonight was a super, super amazing night! … He is my ultimate fave Korean actor!” ani Janice, na inamin ding naging malaking bahagi ng kanyang emosyonal na pagbangon ang K-drama na ‘Descendants of the Sun’ matapos pumanaw ang kanyang ina.
‘Tonight was monumental for me! Buti na lang hindi ako naiyak or hinimatay,’ biro pa niya sa caption.
Mababatid na si Song Joong Ki ay sumikat bilang Captain Yoo Shi Jin sa ‘Descendants of the Sun’ at gumanap rin sa mga K-drama na ‘Vincenzo’ at ‘Reborn Rich,’ gayundin sa pelikulang ‘Space Sweepers.’
Ang fan meet na ginanap sa Maynila ay kauna-unahang pagbisita ni Joong Ki sa bansa.