-- Advertisements --

Nakalabas na ng mundo ang $10-billion halaga na James Webb telescope, na may misyon na maipakita sa mga tao kung paano nabubuo ang mga bituwin sa kalawakan.

Ang observatory na ito ay isinakay sa Ariane rocket mula sa Kourou spaceport sa French Guiana.

Ang flight nito para makapag-orbit ay tumagal lamang ng halos kalahating oras.

Nakumpirma na naging matagumpay ito matapos na makakuha ng signal ang isang ground antenna sa Malindi sa Kenya.

Ang Webb telescope, na ipinangalan sa isa sa mga architects ng Apollo Moon landings, ay sucessor ng Hubble telescope.

Ang mga engineers na nagtatrabaho sa US, European at Canadian space agencies ay ginawang 100 beses na mas malakas ang bagong observatory na ito.

Ang launching ng Webb ay simula lamang sa complex series ng initial activities sa susunod na anim na buwan.

Ang landas na tatahakin nito para maging observing station ay nasa 1.5 million km palayo sa Earth.

Habang ito ay bumabiyahe patungo sa kanyang lokasyon, magbubukas ang Webb mula sa nakatupi nitong configuration nang ito ay nailunsad sa kalawakan.