-- Advertisements --
Hindi makakapaglaro ng hanggang tatlong linggo si Los Angeles Lakers star LeBron James.
Ayon sa Lakers na patuloy ang pagpapagaling nito ng kaniyang injury sa kanang paa.
Natamo nito ang tendon injury sa panalo nila kontra Dallas Mavericks noong Lunes.
Umaasa ang koponan na matapos ang ma-reevaluate ang injury ni James ay makakabalik na ito sa paglalaro.
Ang 38-anyos na si James ay mayroong 29.5 points, 8.4 rebounds at 6.9 assist average kada laro.










