Nagtala ng unang panalo ang Milwaukee Bucks kontra sa katunggali nitong Philadelphia 76ers sa iskor na 90-88.
Naghabulan ang dalawang koponan sa huling mga segundo ng laro kung saan nagpamalas muli ng MVP performance si Giannis Atetokounmpo na nagpakawala ng 21 points, 13 rebounds at eight assist dahilan para mapatumba nila ang Sixers.
Nakapagdagdag naman ng 31 points, eight rebounds at nine assists ang 76ers superstar na si James Harden ngunit nalasap pa rin nila ang kanilang ikalawang pagkatalo.
May tiyansa pa sana na manalo ang Sixers pero nagmintis ang huling tira ni Harden sa huling sandali.
Nasayang din tuloy ang ginawang diskarte ng dating MVP runner-up na si Joel Embiid na may 15 points at 12 rebounds. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)