-- Advertisements --
Naghain ng not guilty plea si dating James Bond star Pierce Brosnan dahil sa paglapit sa pinagbabawal na lugar sa Yellowstone National Park.
Kinasuhan kasi ang actor noong Nobyembre 1 dahil sa pagpasok nito sa thermal area ng nasabing parke.
Ang nasabing lugar ay acidic hot springs na maaring umabot sa labis ng init.
Nakatadang humarap sa korte ang 70-anyos na actor sa Enero 23 pero pinayagan ng hurado sa Wyoming ang hiling nito ng virtual hearing sa darating na Pebrero 20.
Mahigpit na pinagbabawal ang pagpasok sa nasabing lugar na may parusang multa na $5,000 at pagkakakulong ng hanggang anim na buwan.