-- Advertisements --
Nagpahayag ng suporta si Filipino-American guard Jalen Green sa kay Filipino center Kai Sotto.
Si Green na nasa Pilipinas ngayon ay nagbigay ng payo kay Sotto matapos na bigong makuha sa NBA Rookie Draft.
Ayon kay Green na dapat huwag mawalan ng pag-asaw ang 20-anyos na Filipino center at ituloy ang pangarap nito na makapaglaro sa NBA.
Dagdag pa ni Green na makailang beses na nitong napanood ang mga laro ni Sotto at humanga siya dito.
Payo pa nito na darating din ang tamang panahon para ito ay makapasok sa NBA.
Magugunitang bigong makapasok sa NBA Rookie Draft si Sotto at ito ay bumalik na sa paglalaro sa Adelaide 36ers sa Australian Basketball League.
Si Green ay second overall pick ng Houston Rockets noong 2021 NBA Rookie Draft.