-- Advertisements --

Pinabagsak ng New Orleans Pelicans ang katunggali nitong Memphis Grizzlies sa score na 113-102 sa laro at tuluyan nilang naitala ang kanilang ikawalong panalo sa bagong NBA season.

Nagpakawala ang 31 year-old shooting guard ng Pelicans na si CJ Mccollum ng pangkalahatang score na 30 points, at 9 assists para pangunahan ang kanilang team.

Sa panig rin ng Grizzlies ay tuluyang nasayang ang effort ng 23-year old point guard na si Ja Morant matapos nitong makapagtala ng 36 points at 7 rebounds. (with reports from Victor Llantino)