DAGUPAN CITY– Cardiac arrest ang nakikitang sanhi ng pagkamatay ng dating asawa ni US President Donald Trump na si Ivana sa edad na 73.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Gabriel Ortigoza mula sa California USA, nakita na lamang si Ivana sa hagdan ng tahanan nito . Base rin sa imbestigasyon ng New York Police, walang foulplay sa pagkasawi ng dating first lady.
Nauna rito mismon si Former US President Donald Trump ang nagkumpirma sa kaniyang social media na pumanaw na ang dating asawa.
Ang dalawa ay may anak na sina Donald Jr , Ivanka at Eric Trump.
Isinilang si Ivana sa Czechoslovakia kung saan nakilala niya si Donald Trump sa mga real state projects.
Nagkahiwalay ang dalawa noong 1992 matapos ang pakikipagrelasyon ni Donald kay Maria Maples na siyang naging ikalawang asawa ng dating pangulo at may anak silang babae na si Tifanny.
Nakasundo sila sa divorce case kung saan binayaran siya ng $14 milyon bukod pa sa mga mansion sa Greenwich, Connecticut.
Matapos ang divorce ay dalawang beses rin ito ng ikinasal at sa kalaunan ay hiniwalayan din siya.