Iginiit ng sexy actress na si Ivana Alawi na hindi siya ang babaeng nasa kumakalat na umano’y video scandal kamakailan.
Ayon sa 23-year-old actress, wala sana siyang balak patulan ang kontrobersya pero naudyok siya dahil pati ang kanyang ina ay nakakatanggap ng text tungkol dito.
Aminado ang Filipino-Moroccan actress na kahit kilala siya sa pagkakaroon ng “wild and liberated” image ay hindi sumagi sa isip niya na gumawa ng malaswang video.
“Just to clarify it, wala akong scandal. Nag-viral siya, actually. Nakikita ko siya sa social media, pero dinededma ko siya,” ani Alawi. “You will never ever see a scandal of mine on internet.”
Noong nakaraang taon nang kumalat ang online post na nagsasabing nag-aalok daw si Ivana ng hanggang P4.7 million escort services, bagay na kanyang mariing pinabulaanan.
“Hubadera ako sa social media yes, but I have my limits. I earn my own money the right way,” wika ng model turned actress.