-- Advertisements --
Isinakatuparan na ni Ivana Alawi ang naging hamon sa kaniya ng pumanaw na vlogger na si Lloyd Cafe Cardena.
Sa kaniyang social media, ginawa ng sexy actress ang paglilinis ng bus.
Sinabi nito na wala na ito ay kaniyang ginawa pa rin dahil alam nitong pinapanood siya nito.
Sa kaniyang pinakahuling vlog kasi ilang araw bago ito pumanaw ay hinamon ng 26-anyos na si Cardena si Ivana na sabay silang mag-linis ng bus.
Hindi naman maitago ng sexy actress na itago ang kalungkutan dahil sa nasabing pagpanaw ng itinuturing na kaibigan.
Magugunitang pumanaw nitong Biyernes si Cardena matapos umano dapuan ng coronavirus bago atakihin sa puso.