-- Advertisements --
ILOILO CITY – Naka-hospital arrest ngayon ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay dating Ajuy, Iloilo Vice Mayor Ramon Rojas.
Sa bisa ng warrant of arrest, nahuli si Vicente “Itik” Espinosa habang nasa Iloilo International Airport.
Ayon kay Police Major Jonathan Pinuela, pinuno ng Provincial Special Operations Group, sinabi nito na mayroong pending warrant of arrest si Espinosa na siyang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Rojas noong 2008.
Dagdag pa ni Pinuela, kaagad na idineretso sa Iloilo Hall of Justice si Espinosa para sa booking purposes at dahil na rin sa rekomendasyon ng doktor, kaagad na dinala sa hospital ang arestado dahil sa health issues.
Sa ngayon, wala pang pahayag si Espinosa hinggil sa pag-aresto sa kanya.