Bagaman natalo sa huling laban kontra Dominican Republic, nakahanda umano ang Italy na harapin ang Gilas Pilipinas, kasama na na ang home crowd.
Ayon kay dating NBA player Luigi Datome na miyembro ng team Italy, wala umanong time pressure sa buong team, sa magiging paghaharap sa Gilas.
Nakasandal aniya ang koponan sa naging experiece nito sa mga nakalipas na laban sa international stage, kung saan mas mabibigat na koponan at crowd ang kanilang hinarap.
Aniya, maaaring magiging mas exciting ang naturang laro, dahil na rin sa tiyak na matitinding sigawan, na siyang nagiging isa sa mga dahilan upang lalong ganahan ang mga players.
Kampante naman si Datome sa magiging laban kung saan nakapokus aniya ang buong koponan sa isang panalo.
Nakatakdang magharap ang Gilas at Italy mamayang 8pm sa Araneta Coliseum sa QC.