LAOAG CITY – Nagsalita na sa publiko si Italian President Sergio Mattarella hinggil sa problemang kinakaharap nila dahil sa coronavirus outbreak.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Demetrio Rafanan, kailangan umanong sumunod ang publiko sa anumang abiso at hakbang ng gobyerno upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ito ay dahil napakabilis nang pagkalat nito sa nasabing bansa na umaabot na sa 3,296 ang apektado at 148 ang mga namatay dahil sa virus.
Sa nakalap na impormasyon ni Rafanan ay naglaan daw ang pangulo ng 7.5 bilyong euro o katumbas ng 426 bilyong piso para sa mga apektadong pamilya, negosyo at mga manggagawang Pilipino na apektado ng krisis.
Kailangan din ang pagkakaisa ng mga tao sa Italya sa pagharap ng problema sa coronavirus.
Kung maalala ay nagsara ang mga paaralan, ilang hotel at mga negosyo ng mga Chinese sa Italya dahil sa naturang outbreak.