Pumanaw na ang Italian actress na si Gina Lollobrigida sa edad 95.
Ayon sa kaanak nito na dahil na rin sa kumplikasyon sa sakit at edad kaya nalagutan ng hininga ito sa isang clinic sa Rome.
Isa sa pinakasikat sa European cinema ang actress noong dekada 50 at 60.
Itinuturing din siya bilang pinakamagandang babae sa buong mundo kung saan bumida siya sa ilang mga pelikula gaya ng “Beat the Devil”, “The Hunchback of Notre Dame” at “Crossed Sword”.
Naglaho ang kaniyang acting career noong 1960 ng pumasok siya sa photography at pulitika.
Isinilang ang actress noong July 4, 1927 at nag-aral ng sculpture sa Academy of Fine Arts ng Roma.
Inalok siya ng isang talent scout na mag-audition sa Cinecitta ang pinakamalaking film studio noon sa Europa at doon na nagsimula ang kaniyang makulay na acting career.










