-- Advertisements --
image 1

Tinalakay sa pagdinig sa Senado sa 2024 proposed budget ng Department of Labor ang Employment ang usapin hinggil sa minimum wage kung saan sinagot naman ito ng kalihim ng naturang ahensya.

Ayon kay Secretary Bienvenido Laguesma ng Department of Labor ang Employment, dumadaan pa ito sa tripartite body, rason kung bakit hindi pa ito napagdesisyunanng pamahalaan.

Giit ng kalihim, kinakailangan pa itong balansehin kasama ang panig ng mga negosyante.

Pero pagtiyak naman ni Laguesma, asahan ng publiko na kasama ang ahensya sa pagtulong sa mga hinaing ng mangagawa.