Pinabulaanan ng Commission on Higher Education (CHED) ang isyu sa umano’y ‘ghost scholar’.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III nakahanda ang kanyang opisina para imbestihagan ang naturang alegasyon at hinamon si Senator Risa Hontiveros na magpresenta ng ebidensiya at pangalanan ang mga umano’y sangkot sa nasabing isyu.
Nanindigan din si De Vera na walang nilabag ang CHED sa pag-disburse ng lahat ng pondo para sa free higher education.
Sa ngayon ayon kay De Vera wala pa silang natatanggap na mga dokumento para imbestigahan.
Paliwanag pa ng CHED official na wala silang bagong scholar sa Tertiary Education Subsidy na nagbibigay ng financial subsidy para sa mga kwalipikadong estudayante dahil sa natapyas na pondo. Sapat lamang aniya ang kanilang budget para sa mga existing scholars.
Una rito, pinuna ng Senadora ang umano’y ghost scholars ng CHED sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UNIFAST) matapos na makatanggap umano ng reports na ang nasabing mga scholars ay nakakatanggap ng tuition reimbursement mula sa mga estudyante na nagtapos na.