-- Advertisements --
Isang Israeli diplomat sa China ngayon sugatan matapos atakihin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Beijing.
Ito ay matapos na walang habas na tadtarin ng saksak ng suspek ang biktima sa isang kalsada sa Beijing, China.
Makikita sa isang video ang paulit-ulit na pananaksak ng suspek sa biktima at ang nagkalat na dugo nito sa simento.
Ayon sa Foreign Ministry, nangyari ang naturang pag-atake malayo sa compound ng embahada ng Israel na pinapasukan ng biktima.
Samantala sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng maging motibo sa nasabing krimen, habang kasalukuyan namang nagpapagaling sa pagamutan ng biktima at nasa stable nang kondisyon.