-- Advertisements --

Tinanggap ng Israel ang bagong proposal para sa ceasefire nila ng Hamas.

Ayon sa Israel Defense Ministry Office, na kanilang mahigpit na pinag-aralan ang proposal bago nila ito tuluyang tinanggap.

Ilan sa laman ng proposal ay ang pagpapalaya ng 10 buhay na mga bihag maging ang 18 mga mga bangkay ng mga bihag.

Kasama rin dito ang pagpapatupad ng 60 na araw na tigil putukan.

Sa panig naman ng Hamas ay kanilang mahigpit na pinag-aaralan ang mga proposal kung saan inaasahan nila ito ay magiging permanente na lamang.