-- Advertisements --
Naging mabunga ang pag-uusap ng prime minister ng Israel at pangulo ng Egypt.
Binisita kasi ni Israel Prime Minister Naftali Bennett si President Abdul Fattah al-Sisi.
Napag-usapan ng dalawa ang mga regional issues kabilang ang pagbuhay sa peace process sa pagitan ng Israel at Palestinian.
Mula ng palitan ni Bennett si Benjamin Netanyahu ay inimbitahan ito sa Egypt.
Huling bumisita si Netanyahu sa Egypt noong 2011 nang makipagpulong din ito kay President Hosni Mubarak ilang buwan bago siya napatalsikin.










