-- Advertisements --

Pinalawig na rin ng Israel Defense Force ang pagbubukas ng evacuation corridor.

Ginawa na nilang anim na oras mula sa dating apat na oras ang nasabing pagbubukas ng evacuation corridor para mas mabilis na makalabas ang mga sibilyan na nasa Gaza.

Dinagdagan naman ng European Union ang kanilang flights para mabilis na makarating ang mga tulong sa Gaza.

Ayon sa EU na dahil sa dami ng mga flights ay mas mabilis ang paglipad ng mga humanitarian aid para sa mga sibilyang naiipit sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas.