Naglunsad ng airstrike ang Israel sa isang kampo ng mga refugee sa Gaza Strip, na ikinamatay ng hindi bababa sa 47 na mga Palestinian at isang Hamas commander.
Sinabi ng Israel Defense Forces (IDF) na ang paglunsad ng mga fighter jet sa Jabalia na pinakamalaking refugee camp sa Gaza, ay pumatay kay Ibrahim Biari na isa umanong Hamas commander.
Dose-dosenang mga mandirigma ng Hamas ang nasa parehong underground tunnel complex at napatay din nang ilunsad ang nasabing airstrike.
Itinanggi naman ng tagapagsalita ng Hamas na si Hazem Qassem na may nakatataas na commander sa kampo.
Dagdag dito, mayroon ding 150 mga indibidwal ang nasugatan sa naganap na airstrike
Una na rito, ang mga communications at internet services ay pinutol na kasabay ng panawagan ng Israel na kaagad nang lumikas ang mga residente na nasa Gaza upang mapanatili ang kanilang kaligtasan.