Pinabulaanan ng Israel na hindi nila pinaputukan ang mga sibilyan na humihingi ng ayuda sa mga aid truck. Bagkus ay stampede ang itinuturo nilang dahilan ng pagkamatay ng mahigit 100 na mga Palestinian.
Hindi naman sang-ayon dito ang senior Gaza health ministry official. Aniya, pinatay ng Israeli forces ang mahigit 100 katao na gusto lamang makahingi ng tulong o ayuda.
Dagdag pa ng isang opisyal ng Ministry of Health sa Gaza, karamihan daw sa mga nasugatan sa insidente ay natamaan ng heavy-caliber bullets na nanggaling umano sa mga tropa ng Israel army.
Sa kabila nito, naglunsad na umano ang Israel ng mas malalim na imbestigasyon hinggil sa insidente.
Ayon kay spokesperson Rear Admiral Daniel Hagari, pangungunahan ito ng “independent, professional, and expert body” kung saan ibabahagi ang magiging resulta sa mga susunod na araw.