-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng Israel ang ginawa nilang air strike sa pinakamalaking refugee camp sa Gaza na ikinasawi ng mahigit 50 katao.

Sinabi ni Israel Defense Forces spokesperson Lt. Col. Richard Hecht, na mayroon silang nakuhang impormasyo na doon nagtatago ang mga opisyal ng Hamas.

Paliwanag pa nito na isang kumplikado ang sitwasyon dahil mayroon na sibilyan at mga imprastraktura na madadamay.

Dagdag pa nito na ang ginawa nilang airstrike sa Jabalia refugee camp ay nakapatay sila ng mga matataas na opisyal ng Hamas at ikinasira ng mga underground tunnel.

Sa loob lamang aniya ng isang araw ay nagsagawa na sila ng 300 na mga airstrike sa Gaza.

Mula aniya ng pinaigting na ground assault ng Israel sa Gaza ay umabot na sa mahigit 8,500 na mga katao ang nasawi.