Muling naglunsad ng pag-atake ang Israel sa Gaza matapos umano na lumabag ang Hamas sa ceasefire deal.
Gumanti lamang umano ang Israel ng dalawa sa kanilang sundalo ang nasawi dahil sa pag-atake ng Hamas habang na sa Rafah gamit ang rocket-propelled grenades at sniper rifle.
Nasa Yellow Line na ang mga sundalo ng Israel ng sila ay atakihin ng Hamas.
Ginawa nila ang Yellow Line bilang senyales na nagkakaroon ng ceasefire.
Sa ginawang pagganti ng Israel ay ikinasawi ng 44 katao sa iba’t-ibang bahagi ng Gaza kung saan tinarget ang kuta ng mga Hamas.
Itinanggi naman ng Al Qassam Brigades (AQB) ang kaalyadong grupo ng Hamas na sila ang nasa likod ng pag-atake.
Nabahala naman ang mga mediators at nanawagan sila na bumalik ang Hamas at Israel sa ceasefire deal.