-- Advertisements --

Inabisuhan na ng Israel government oang mga pamilya ng bihag ng Hamas na nakatakdang palayain.

Magsisimula na kasi ang apat na araw na tigil putukan na napagkasunduan ng Israel ng Hamas dakong alas-4 ng hapon nitong Biyernes oras sa Pilipinas.

Mayroong kabuuang 13 ang unang papalayain ng mga Hamas na pawang mga kababaihan at mga bata kung saan pinagsama ang mga magkakamag-anak.

Inaasahan naman ng Qatar na siyang namuno sa kasunduan na madagdagan ang bihag na papalayain.

Base kasi sa listahan ng Israel na mayroong 39 na bata, 44 na kababaihan at 89 na kalalakihan ang kabuuang bihag ng mga Hamas maliban sa mga ibang lahi.

Sinabi naman ni Qatari foreign ministry spokesperson Majed Al-Ansari na makakakuha sila ng mga listahan ng pangala ng mga bihag na papalayain ng Hamas.

Umaasa naman si US President Joe Biden na kabilang ang 3-taon gulan na batang American na mapapalaya ng mga Hamas militants.

Kapag napalaya na ang mga bihag ay ipapasakamay ang mga ito sa International Committee of the Red Cross.