-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Israel Defense Forces ang kanilang ground operations sa buong Gaza Strip.

Ang nasabing hakbang ay para tuluyang makubkob ang pinagtataguan ng mga Hamas militants.

Sinabi pa ni IDF spokesperson Daniel Hagari na naglunsad sila ng mga air strikes sa terror headquarters, pagawaan ng mga armas, tunnels at rocket launching sites ng mga Hamas.

Mahigpit ang kautusan aniya ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na lusubin ang mga lugar ng Hamas na naging banta sa kanila.