-- Advertisements --
Mariing itinanggi naman ng Israel Defense Forces ang alegasyon na pinagbabaril nila ang aid convoy na ikinasawi ng nasa 118 Palestinian sa Gaza City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Israel na hindi direktang binaril ng mga sundalo ng Israel ang aid convoy at ang nangyari ay mayroong mga humalong Hamas militants na papalapit sa kanila at sa kinaroroonan ng mga food trucks kaya nila nagawan barilin ang mga ito.
Magugunitang maraming mga bansa ang nagkondina sa insidente ay pinapasagot ang mga opisyal ng Israel.
Hindi naman tinanggap ng Palestinian ang imbestigasyon na ito ng Israel at nanawagan sila sa International community na imbestigahan ang pangyayari.