Israel, bukas para sa bahagyang pagtigil ng labanan sa pagitan nila ng militanteng Hamas – PM Netanyahu

263
-- Advertisements --
download 4

Ikinokonsidera na ng Israel na magkaroon ng tinatawag na tactical little pauses o bahagyang pagtigil sa labanan sa Gaza para mapapasok ang mga tulong o mapalaya ang mga bihag.

Ayon kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, kapag sinabing tactical pauses, posibleng magbigay ng tig-isang oras na tigil-putkan sa magkabilang panig kayat kanila itong titignan para mapayagan ng makapasok ang humanitarian goods o makalikas ang mga bihag na inidbidwal ng Hamas.

Sinabi din ng opisyal na kailangan aniya ng Israel ng security responsibility sa Palestinian enclave matapos ang giyera sa loob ng wala pang katiyakang panahon.

Subalit muling tumanggi ang Israeli official sa panawagan para sa general ceasefire sa kabila ng tumitinding pressure mula sa international community dahil makakahadlang lamang ito sa war effort ng Israel.

Sa datos ng Gaza Health Ministry, nasa 10,022 palestinian na ang napatay kabilang ang 4,104 na inosenteng mga batas.