GENERAL SANTOS CITY – Hindi magkamayaw ang mga residente sa paghahakot ng mga isdang Tulingan matapos dumagsa sa baybayin ng Purok Kanayan, Barangay Daliao Maasim Sarangani.
Sa social media post ng nagpangalang Mayla Landis na residente sa lugar na makikitang buhay ang mga isda.
May iba din na hinde na tumulong sa paghakot ng isda bagkus kumuha ng makaya at dinala sa bahay para pang ulam.
Dahil nito nagkaubusan ang yelo sa lugar dahil sa tambak ng isdang dumating sa lugar.
Hindi ito ang unang pagkakataon na dumagsa ang isda dahil sa nagdaang taon sa nasabing bayan tone toneladang tulingan din na tawag sa lugar na galon galon ang pumasok sa lambat ng mangingisda at dahil sa volume nito hinde kayang iahon dahil mano mano lamang ang kanilang bangka.
Ginawa na lamang na buksan ang lambat para makalabas ang isda subalit nagka stampede kayat iniwanan na lamang sa laot na nagresulta sa pagkasira ng isda.
Pagka ngayon wala pang pahayag ang Bureau of Fisheries sa pagdagsa ng nasabing specia ng isda.