-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang isang siklista matapos mabangga ng pampasaherong bus sa kahabaan ng National Highway ng Brgy. Alipangpang sa bayan ng Pozorrubio dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PMAJ. Zynon Paiking, ang Chief of Police ng Pozorrubio Police Station, 10:15 ng umaga kahapon nang rumesponde ang mga kapulisan sa insidente.

Sa kanilang imbestigasyon, tinatahak ni Julio Vergara, ang 66 anyos na siklista, ang outer lane ng daan patungong kanluran nang pinasok nito ang inner lane kung saan ito nabunggo ng pampasaherong bus na minamaneho ni Marlon Rodriguez, 39 anyos. Natumba si Vergara at nagtamo ito ng malalang sugat.

Dinala pa ito sa malapit na community hospital ngunit dineklara din itong dead on arrival.

Samantala, wala naman natamong sugat ang drayber ng bus ngunit dinala pa rin ito sa opsital upang sumailalim din sa physical at medical exmination.