-- Advertisements --
image 26

Isang SpaceX Falcon 9 na rocket ang gagawa ng pangalawang blast off attempt para sa International Space Station na lulan ang dalawang National Aeronautics and Space Administration o NASA astronaut.

Kabilang dito ang isang Russian cosmonaut at ang pangalawang Emirati na naglalakbay sa kalawakan.

Kung matatandaan, ang paglulunsad ng SpaceX Dragon Crew-6 mission ay na-scrub noong Lunes ilang minuto bago ang lift off dahil sa isang bara sa isang filter na nagbibigay ng ignition fluid upang simulan ang mga rocket engine.

Pinalitan ng mga inhinyero ng SpaceX ang filter at ang paglulunsad ay nakaschedule ngayong araw mula sa Launch Complex 39A sa Kennedy Space Center ng National Aeronautics and Space Administration sa Florida.

Una rito, inihayag ng administrasyon na ang kondisyon ng panahon ay 95 percent na kanais-nais para sa pagpapalipad ng SpaceX Falcon 9.

Top