
Isang Pinoy ang kumpirmadong kabilang sa biktima at nasawi sa karumal dumal na nangyaring pamamaril sa Los Angeles, California.
Kinilala ng Los Angeles County Coroner’s office ang biktima na si Valentino Alvero, 68 taong gulang nang ito’y kumpirmahin ng kaniyang mga kaibigan na isa siya sa mga napatay sa pamamaril sa Monterey Park.
Bagama’t hindi inilabas ang mga pangalan ng iba pang mga biktima, sinabi ng tanggapan na ang limang babae at limang lalaki na napatay ay pawang mga nasa edad 50 pataas.
Ang naturang masaker ay kumitil sa buhay ng 11 katao — 10 sa pinangyarihan at isa sa isang lokal na ospital habang sumasailalim sa paggamot.
Ang umano’y gunman, na kinilalang si Huu Can Tran, ay nagpakamatay na binaril ang kanyang sarili habang nasa loob ng puting van sa Torrance nang kumilos ang mga pulis para arestuhin.
Una na nga rito, ayon sa mga awtoridad ‘selos’ ang tinitignan na motibo o ugat ng pangyayaring karumal dumal na naturang krimen.










