-- Advertisements --
Isang oil tanker na may kargang 800,000 na litro ng industrial fuel oil ang lumubog malapit sa isla ng Tablas sa lalawigan ng Romblon.
Sa ulat, pasado alas-2:00 kaninang madaling araw nangyari ang paglubog ng MT Princess Empress nang dahil sa malakas na paghampas ng alon.
Ayon sa manager ng Batangas Port na si Dr. Joselito Sinocruz, maswerteng nailigtas naman ang 20 tripulanteng lulan nito kasama na ang kapitan ng nasabing barko sa tulong ng napadaang foreign vessel sa nasabing lugar.
Agad naman itong naiulat sa Philippine Coast Guard at kasaluyan na rin inaalam ng mga kinuukulan kung nagkaroon ba ng oil spill mula sa naturang insidente.