BOMBO DAGUPAN – Nananawagan ng tulong ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na binubugbog ng kanyang amo sa Saudi Arabia.
Ayon kay Lawrence Valmonte, Bombo International News Correspondent sa Qatar,
umapit sa kaniya ang kapatid ng Overseas Filipino Worker sa Saudi Arabia, na kung saan idinulog nito ang kaniyang kapatid na si Grace Villanueva, 38 years old tubong Davao na binubogbog umano ang kaniyang kapatid na 6 buwan ng namamasukan sa kaniyang amo.
Sa salaysay ng kapatid ng biktima habang nagpapakulo ito ng mainit na tubig na gagamitin sana para sa tsaa ay hinampas ito ng tungkod ng kaniyang employer.
Dagdag pa rito, dinuduraan ang mukha ng biktima at itinuturing na hayop.
Ikinulong at ikinandado naman ito sa kaniyang kwarto noon pang July 17, kung kaya’t hindi pa ito nakakakain.
Aniya, pangalawang beses na raw itong nangyari sa kaniyang kapatid, kung kaya’t namamaga rin ang lalamunan nito dahil hinampas siya ng employer gamit ang baston ng kaniyang amo.
Kung kayat nanawagan ang biktima at kaanak nito ng tulong sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ahensya at kinauukulan.
Kaugnay nito, sinabi ni Valmonte na may laban ang mga OFW na inaabuso ng employer, ipagbigay alam lamang ito sa tanggapan ng OWWA at ipagdulong sa Labor court na siyang hahatol sa abusadong mga amo.