-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nakapagtala ng isang bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang probinsiya ng Ilocos Norte dahilan upang umabot na sa 126 ang kabuuang bilang ng kaso.

Si IN-C126 ay 23-anyos na lalaki, residente ng Barangay Monte, Paoay, isang Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Base sa statement na inilibas ni Governor Matthew Marcos-Manotoc, si IN-C126 ay naggaling sa Bulacan at hindi pa malaman kung saan at paano siya nakakuha ng virus ngunit kasalukuyang naka-isolate.

Kaugnay nito, sinabi ni Barangay Chairman Gernel Daduya ng Barangay Monte, Paoay na matapos sinundo ng ambulansya si IN-C126 ay agad na isiniilalim sa quarantine ang pamilya nito at nalaygan ng harang ang paligid ng kanilang bahay upang masiguradong walang makakalabas.

Aniya, hindi niya pa malaman kung kailan dumating si IN-C126 sa kanilang bahay ngunit base mga protocols na ipinapatupad ay kailangang dumaan sa quarantine ang mga APOR na umuuwi sa kanilang mga bahay.

Sa ngayon ay apat nalang ang aktibong kaso nga covid-19 sa probinsya habang 121 ang mga nakarekobre at isa ang namatay.