
Kumpiyansa ang isang ekonomista na maisusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gagawing world economic forum ang potensiyal ng PIlipinas sa larangan ng pagne negosyo.
Sinabi ni Dr. Michael Batu, na sa pamamagitan ng World Economic Forum, magkakaroon ng pagkakataon ang Pilipinas na mapagbitay ang relasyon nito sa ibang mga bansa sa mundo at makasalamuha ang malalaking negosyante.
Ayon kay batu, isang magandang pagkakataon din ito para magkaroon ng oportunidad ang Pilipinas para sa networking o makahimok ng foreign investments.
May pagkakataon din aniyang matuto ang Pilipinas sa best practices ng ibat-ibang mga bansa sa kung papano nila ipinatutupad ang kanilang mga sovereign wealth fund at maiapply natin dito sa pilipinas.
Ayon pa kay batu, dagdag kaalaman din ito para sa mga lider negosyante ng bansa para makakuha ng mga ideya sa mga bagong teknolohiya at applications.
Isang magandang pagkakataon aniya ito para maiparating sa buong mundo na bukas na sa negosyo ang Pilipinas, at pwede ring ipromote ng pangulo na ang ekonomiya ng bansa ay pinangangasiwaan ng mahusay, patunay dito ang indicators, kasama ang matatag at magandang credit ratings ng pilipinas.