BOMBO DAGUPAN – Lubos ngayon ng pasasalamat ang isang Dagupeno matapos nitong masungkit ang unang gintong medalya para sa Team KARATE PILIPINAS sa isinagawang Thailand 2022 International Open Karate Championships.
Ayon kay Shane Enrico Vasquez na kaniya umanong pinaghandaan ang naturang patimpalak kung saan malaki ang pasasalamat nito sa paggabay sa kaniyang ng Panginoon at gayundin sa tulong na rin kaniyang ama na isang Wado Ryu Sensei at kapatid na si Joco Vasquez na ilang beses ng nakapaguwi ng medalya.
Aniya na nagsilbing inspirasyon sa ang kaniyang pagpili sa naturang isports ang kapattid na si Joco na nagsilbi ring head coach ng kanilang team.
Masaya rin nitong ibinahagi na kahit pa iba’t ibang mga bansa tulad ng Cambodia, Indonesia at Thailand ay hindi ito kinabahan upang makasungkit ng medalya.
Dagdag pa nito na anim na taon na rin itong nagsasanay sa naturang isports at kaniyang ipagpapatuloy ito kung saan aniya na paghahandaan rin nito ang darating na Luzon Championship.