-- Advertisements --

ILOILO CITY- Nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang isang buwang sanggol sa Lungsod ng Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jeck Conlu, Public Safety and Transportation Management Office Head Jeck Conlu at focal person for COVID-19, sinabi nito na local transmission ang nangyari sa sanggol.

Base sa kanilang record, ang naturang sanggol ang pinakabatang COVID-19 positive sa Western Visayas.

Ayon kay Conlu, ang lola ng sanggol ang unang nakitaan ng sintomas ng COVID-19.

Sa ngayon, hinihintay naman ang resulta ng COVID-19 test ng ina ng nasabing sanggol.

Ang COVID-19 cases sa buong lungsod sa kasalukuyan ay 201 na.

Dalawa sa naturang bilang ay Authorized Person Outside Residence, 177 ang Local at 22 ang new cases.