Humingi na ng tulong sa Commission on Human Rights ang isa sa mga akusado sa Degamo case.
Ayon kay Atty Danny Villanueva, sumulat na sa CHR ang kliyente niyang si Osmundo Rojas Rivero.
Inirereklamo ni Rivero ang patuloy na pagtanggi umano ng National Bureau of Investigation na magkaroon ng access sa kaniyang pamilya.
Kasama rin sa mga reklamo ni Rivero ay ang ibat iba umanong pagbabanta sa kaniya .
Noong March 8,2023 ilang araw matapos ang Degamo slay ay kinuha ng militar ang mag iina ni Rivero mula Pagadian.
Inilipat ito sa Metro Manila partikular sa kustodiya ng NBI at sa DOJ dahil umano sa kadahilanang panseguridad.
Tatlong ulit na umanong nangako ang NBI na pakakawalan ang kaniyang mag iina pero hindi nangyari at kalaunan ay hindi na ipinapakausap ang mga ito kahit sa mga malapit na kamag anak o maging ang pagtawag sa telepono o pag-text.
Una nang napaulat na balak gawing state witness si Rivero at tatlong iba.
Pero, nitong huli ay binawi na ni Rivero at iba pa niyang mga kasama ang una nilang sinumpaang pahayag na kasama sila noon sa pagpasok sa bahay ng nasawing gobernador Roel Degamo sa Pamplona, Negros Oriental.