Tinukoy umano ng NBA superstar na si Kyrie Irving ang mga teams na gusto niyang malipatan mula sa kasalukuyang Brooklyn Nets.
Hinahangad daw kasi ng kontrobersiyal na si Irving na malipat siya sa pamamagitan ng sign-and-trade kung mabigo ang negosasyon niya sa Brooklyn.
Kabilang daw sa mga teams na ambisyon ni Irving na mapuntahan ay ang Los Angeles Lakers, LA Clippers, New York Knicks, Miami Heat, Dallas Mavericks at Philadelphia 76ers.
Gayunman kung sakali posible daw magkaproblema pa rin si Irving sa naturang teams kung lilipat bunsod na halos wala na raw puwang sa tulad niya na napakamahal ang presyo ng sweldo.
Meron na lamang hanggang Miyerkules sa susunod na linggo si Irving para magdesisyon kung gusto pa niyang manatili at makasama pa rin si Kevin Durant.
Kung papayag siya sa deal ay tatanggap siya ng $36.9 million para sa susunod na NBA season.